4 ‘kotong’ cops arestado
Apat na pulis-Maynila ang nadakip ng kanilang mga kasamahan matapos na umano’y kotongan ng mga ito ang dalawang babae na magkaangkas sa motorsiklo sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.
Isinampa sa sala ni Assistant Chief Prosecutor Raul Hismiro ang kasong extortion, molestation, planting of evidence at obstruction of justice laban kina Chief Insp. Resty Nicandro, SPO1 Maurito Reniedo, PO2 Christopher Pantaleon at PO1 Victorino Salao, pawang nakatalaga sa Anti-Illegal Drugs Section ng MPD-Station 4 (Sampaloc).
Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa tatlo pa nilang kabaro na kakutsaba rin sa pangongotong.
Dinakip ang mga nabanggit na pulis-Maynila matapos na ireklamo ang mga ito ng biktimang sina Jesusa Manalansang, 28; at Jennifer Capuso, 23, kapwa residente ng
Sa isinagawang imbestigasyon ni Supt. Hospicio Guevarra ng MPD-General Assignment Section (GAS), ang insidente ay naganap dakong
Hiningi umano ng pulis ang kanyang lisensiya hanggang sa posasan sila at puwersahang pinapasok sa kanyang sasakyan at dinala sa Station 4 nang wala man lamang umanong paliwanag kung ano ang kanyang violation. Habang nasa tanggapan ng pulisya ang dalawa, kinapkapan umano sila ni Pantaleon, kinuha ang kanilang wallet na may laman na P700 at cellphone habang ang alahas naman nila ay kinuha rin ni Reniedo at dinala umano sa tanggapan ni Nicandro.
Nakita umano nila na habang iniinspeksiyon ni Nicandro ang gamit nang dalawa ay pasimple umanong tinaniman ito ng “shabu” at inakusahang gumagamit sila.
Ilang minuto ay dumating ang ina ni Jesusa na si Leoner at kinausap umano siya ni Nicandro at hiningan ng halagang P120,000 kapalit ng kaso at paglaya ng dalawa. Nagkaroon ng tawaran hanggang sa umabot ng P30,000.
Bunsod nito’y agad na humingi ng tulong si Leoner, na empleyado ng Department of Interior ang Local Government (DILG) kay Manila Mayor Alfredo Lim na nag-utos ng imbestigasyon.
Ang apat ay kasalukuyang nakadetine sa MPD Detective Jail. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending