^

Metro

P9-M pekeng sabon nasamsam

-

Nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P9-M  halaga ng libu-libong pekeng Tide detergents sa isina­gawang raid nito sa Tondo, Manila.

Ayon sa NBI, isinagawa ang pagsalakay sa Junchem Trading na matatagpuan sa 2956 Dagupan Extension, Gagalangin, Tondo  ma­tapos na maghain ng reklamo dito ang  kom­pan­yang Procter and Gamble Company (P&G). Nabatid na doon ginagawa ang mga pekeng Tide powder.  Isinagawa ang raid batay na rin sa search warrants na ipinalabas ni  Judge Aida E. Layug, ng Manila Regional Trial Court Branch 46. Bunsod nito’y, nasamsam ang 1,113 boxes na puno ng powder detergent at 16,800 kahon  na ginamitan ng  bulls-eye device at eraser devise ng P&G upang makopya nito ang Tide detergent powder.

Nasamsam din ang 144 kahon na puno rin ng powder na sabon at  650 kahon na walang laman at illegal na tinatakan din ng bulls-eye device at eraser devise ng P&G. Isasampa naman ang kasong paglabag sa Section 168 in relation to Section 170 ng  RA 8293 o mas kilala bilang  Intellectual Property Code of the Philippines. (Grace dela Cruz)

DAGUPAN EXTENSION

INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES

JUDGE AIDA E

JUNCHEM TRADING

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NASAMSAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with