Holdapan sa dyip napigilan ng parak

Napigilan ng isang bete­ranong pulis ang pangho­holdap ng dalawang arma­dong lalaki sa loob ng isang pampasaherong jeep ma­karaang mapaputukan nito ng baril sa hita ang isa sa mga suspek na naging da­hilan sa pagkaaresto nito, ka­makalawa ng gabi sa Que­zon City.

Arestado si Arnejay Erinco, residente ng Brgy. Commonwealth, naturang lungsod habang pinagha­hanap pa ang kasama nitong nakilala sa pangalang Janreb Lucero. Nadakip si Erinco sa loob ng East Avenue Medical Center sa isang follow-up operation habang ipinapa­gamot ang sugat na natamo nito.

Sa ulat ng QC Police District-Station 6, nangyari ang krimen dakong alas-10 ng gabi sa tapat ng Flying V gasoline station sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Nabatid na pawang sakay ang dalawang suspek at si SPO1 Nestor Evangelista, nakatalaga sa Base Police Office, Headquarters Support Service sa  Camp Crame at iba pang mga pasahero. Pag­sapit sa Philcoa ay nagdek­lara ng holdap ang mga suspek.

Pasimple namang bi­nunot ni Evangelista ang kanyang baril ngunit agad itong nakita ng isa sa mga suspek na nagresulta sa aga­wan sa armas. Nagawa na­mang makalabit ng pulis ang gatilyo ng baril at tina­maan si Erinco sa hita.

Ngunit nagawa namang paluin ng baril sa ulo ng sus­pek na si Lucero si Evan­gelista sanhi upang sanda­ling mawalan ito ng malay at madisarmahan.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek kung saan naudlot ang sana’y pangho­holdap nila.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nahuli si Erinco sa pagamutan. (Danilo Garcia)

Show comments