^

Metro

Tsinay na lumutang sa Manila Bay, kilala na

-

Matapos  ang  mahigit  da­la­wang  buwan paghahanap  sa kanyang kapatid na  nawa­wala  kinumpirma  ng isang  Chinese  national  na   kapatid  niya ang babaeng Intsik na  na­tag­puang  patay at naka­lu­tang  sa Manila Bay noong Agosto 21, 2007 sa Ermita, Maynila.   

Kinilala  kahapon ni Irlen Kho, 39, dalaga, Chinese na­tional, accounting supervisor at residente ng 401 Ayson Bldg., 627 Carval St., Binondo,  Manila ang bangkay ng  ka­patid nito na nasa Popular Funeral Homes na si Helen  Kho, 46.

Si  Helen ay unang inire­port na natagpuang nakalu­tang sa Manila Bay  pero  walang nakitang pagkakaki­lan­lan dakong 6:30 ng umaga sa  Decesion T-Bar sa Roxas Blvd., malapit sa kanto ng Sinagoga St., Ermita noong Agosto 21, 2007.       

Sinabi  ni  Irlen sa pulisya, huli nitong nakitang buhay ang kapatid dakong  9:15 ng gabi noong Agosto 20 matapos silang nag-away dahil sa trabaho   sa loob ng kanilang bahay. Naglayas  ang biktima at hindi na ito nakita pag­ka­tapos  nilang mag-away  na  magkapatid.  

Ayon  kay  Irlen kung saan-saan na niya hinanap  ang ka­patid pero hindi niya ito ma­tagpuan hanggang sa napag­pasyahan niyang magtungo sa mga morgue kung saan sinabihan ito na magreport sa tanggapan ng MPD na nag­resulta sa pagkakahanap nito sa nawawalang kapatid.

Inamin pa ni Irlen na ma­hina ang pag-iisip ng kapatid nito at tatlong beses na umano itong nagtatangkang lumayas at ang una ay noong Hulyo 2005 subalit bumalik din ito sa kanilang bahay. Bukod  dito nag­babanta rin umano ang biktima na magpapaka­ lunod  subalit hindi rin niya umano nito ginagawa. (Doris Franche)

vuukle comment

AGOSTO

AYSON BLDG

CARVAL ST.

IRLEN

MANILA BAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with