^

Metro

Manila Zoo libre  hanggang Oktubre 31

-

Maaari nang makapamasyal ang mga bata  ng libre sa Manila Zoo hanggang Oktubre 31.

Ito  ang nabatid mula kay Manila Mayor Alfredo Lim ma­tapos niyang atasan si Parks and Recreation Bureau Engineer Deng Manimbo na gawing libre ang entrance ng mga bata upang makasama sa mga aktibidades ng local governments social welfare department (SWD)  kasabay ng paggunita sa Children’s Month celebration  o Pista ng Batang Pilipino.

Ayon kay Lim, ang  pagbibigay ng libreng  pagpasok sa Manila zoo ay bukas din sa mga bata mula sa ibang  lungsod upang malaya ang mga ito na maipakita ang kanilang galing sa  sining, pakikisalamuha at pagkikipaglaro.

Subalit mahigpit nitong sinabi na para lamang sa mga bata ang pagbibigay ng libreng entrance.

Sinabi  naman ni  Manimbo, nagpadagdag na siya ng personnel  na magbabantay sa  zoo, dahil sa  inaasahang pag­dagsa ng mga mamamasyal sa nasabing lugar.

Ipinaliwanag ni Lim na mas dapat na binibigyan ng  pagkakataon ang mga bata na makisalamuha at paunlarin ang kanilang talento at sarili na kanilang magagamit sa  kanilang paglaki. 

Nabatid na umaabot sa 650  bata ang sumali sa unang  araw ng  activities kasama ang kanilang mga magulang. (Doris Franche)

BATANG PILIPINO

DORIS FRANCHE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA ZOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with