^

Metro

Pabuya vs killer ng bata sa basurahan

-

Handang magbigay ng pabuya ang mga resi­dente sa sinumang may impormasyon kaugnay sa pagpatay sa isang paslit na natagpuan sa ba­sura­han noong Huwebes ng umaga sa Tondo, Maynila. 

Sinabi ni Det. Jonathan Bautista, ng Manila Police Dis­trict (MPD)-homicide section, nagkaisa ang ilang residente ng Brgy. 118 Zone 16 District 1 na magkaloob ng P5,000 pabuya sa sinumang makaka­pagtuturo sa salarin na pu­matay sa hindi pa nakikilalang paslit na na­tag­puang tadtad ng saksak dakong 6:10 ng umaga sa kumpol ng basura­han sa harapan ng isang bahay sa 541 Road 2 Manotoc subd., Gagalangin, Tondo.

Sinabi pa ni Bautista na bagama’t maliit ang halaga ng pabuya, ito ay bilang pagma­ma­lasakit ng mga residente sa sinapit ng paslit para sa ikalu­lutas ng kaso at makasuhan ang taong gumawa ng ka­rumal-dumal na krimen.

Ayon pa kay Bautista, naki­pag-ugnayan na rin umano sa pulisya ang mga opisyal ng iba’t-ibang barangay at ang Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD) para ma­lutas ang kaso. 

Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa ilang opisyal ng mga asosasyon ng tricycle at pedicab sa iba’t ibang ba­rangay dahil sa hinalang isina­kay ang paslit sa isang pedi­cab bago ito itinapon sa naturang basurahan.

Matatandaan na isang Lito Catupay, residente sa natu­rang lugar ang nakapuna sa ka­tawan ng bata na tinatayang 2 anyos, semi-kalbo ang gupit ng buhok at walang salawal na nakahan­dusay sa kumpol ng mga basurahan.  

Sa imbestigasyon ng pulis­ya, tadtad ng pasa ang ka­tawan ng biktima na hini­hinalang mi­naltrato na nag­resulta sa kan­yang kama­tayan.

BAUTISTA

JONATHAN BAUTISTA

LITO CATUPAY

MANILA POLICE DIS

SHY

SINABI

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with