Umabot sa P8 milyon ang nakolektang buwis ng pamahalaang-lunsod ng Caloocan mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 15 kasunod ng kampanya ng city assessor’s office sa realty tax revenue generation rito.
Sinabi ni City Assessor’s Office Acting Chief Anthony Pulmano sa kanyang report kay Mayor Enrico Echiverri na ibinunga ng iskema sa pagkolekta ng realty tax ang pagtukoy sa mga lote, gusali at makinarya na nagkakahalaga ng mahigit P395.6 milyon sa loob ng nabanggit na mga buwan.
Inireport pa ng city assessor na lumaki rin ang koleksyon sa transfer tax na tinatayang P6 na milyon sa loob ng 45 araw mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 15.
Nabatid din na P2 milyon ang nakolekta ng busines permit at licensing office mula sa mga realty developer.