^

Metro

P8-M nadagdag sa tax collection ng Caloocan

-

Umabot sa P8 milyon ang nakolektang buwis ng pamahalaang-lunsod ng Caloocan mula Hulyo 30 hanggang Setyembre  15 kasunod ng kampanya ng city assessor’s office sa realty tax revenue generation rito.

Sinabi ni City Assessor’s Office  Acting Chief  Anthony Pulmano sa kanyang report kay Mayor Enrico Echiverri na ibinunga ng iskema sa pagkolekta ng realty tax ang pagtukoy sa mga lote, gusali at makinarya na nagkakahalaga ng mahigit  P395.6 milyon sa loob ng nabanggit na mga buwan.

Inireport pa ng city assessor na lumaki rin ang koleksyon sa transfer tax na tinatayang P6 na milyon sa loob ng 45 araw mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 15.

Nabatid din na P2 milyon ang nakolekta ng busines permit at licensing office mula sa mga realty developer.

ACTING CHIEF

ANTHONY PULMANO

CALOOCAN

CITY ASSESSOR

HULYO

INIREPORT

MAYOR ENRICO ECHIVERRI

NABATID

SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with