6  Customs officials, sinuspinde ng Ombudsman

Sinuspinde ng tanggapan ng Ombudsman ng anim na bu­ wang preventive suspension ang 6 na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng umano’y pag-smuggle sa may 14 na luxury vehicles noong Pebrero ng taong ito.

Ang kautusan ay pinalabas ni Ombudsman Ma. Merceditas N. Gutierrez laban kina Jocelyn Dullas, Acting Chief ng Certi­ficate of Payment Unit; Orlando Ronquillo, Rustico Mallari at Enrico Cruz, Examiners; Ebra­him Pankatan at Rodolfo Casis, Principal Appraisers, ang mga ito ay pawang mula sa BOC, Subic.

Ang kaso ay isinampa ng Dept. of Finance-Revenue In­tegrity Protection Service (DOF-RIPS) sa tanggapan ng Om­buds­­man na nagsabing noong Peb­rero 10, 2007, ipinagbigay ka­ala­man nila ito kay Customs Com­missioner Napoleon Mo­rales hinggil sa umanoy pagpu­puslit ng 16 na high-end luxury ve­hicles na naka-consign sa Hide­mitsu Trading Corp.:, 4 na BMW passenger cars; 2 SUV Acura MDX passenger cars; isang Cadillac Escalade Ext pick up truck 2007; isang Cadillac Es­calade Utility vehicle 2007; 3 Audi A8L passenger cars 2006; isang Corvette Convertible pas­senger car 2006; isang SUV Infinity FX45 2005; isang SUV Nissan Armada 2006; isang Mercedes Benz S550 pas­senger car 2006; at isang Mer­cedes Benz S350 passenger car 2006.

Sa ulat, ang naturang mga sasakyan ay nailabas mula sa Subic Bay Freeport Zone na hindi naipagbayad ng kaukulang buwis at duties sa pamahalaan.

Base sa imbestigasyon na isinagawa ng BOC’s Task Force Anti-Smuggling-Special Opera­tion Group (TFAS-SOG), da­lawa sa mga sasakyan, ang Mercedes Benz S550 at S350 ay nasa loob pa ng SBMA pero sa nalalabing 14 na sasakyan, 5 dito ay namataan sa Auto Trend Center sa Timog Avenue, Quezon City; 5 ay nakita sa Viper Auto Trading sa Circum­ferential Road, Angeles City; at ang 4 ay natagpuan sa number 7603 Sunset Valley Mansion, Angeles City.

Bagamat pinabulaanan ng mga respondents ang paratang sa kanila, sinabi ni Ombudsman Gutierrez na ang presencia ng kanilang pangalan at lagda sa dokumento ay isang prima facie presumption na ang mga ito ay may kinalaman sa naturang iregularidad.  (Angie dela Cruz)

Show comments