^

Metro

Pulis-Maynila kinasuhan sa pagpatay ng estudyante

-

Isang pulis-Maynila ang sinampahan ng kasong homicide makaraang mabaril at mapatay nito ang isang 17 anyos na estudyante  noong Linggo ng ma­daling-araw sa Tondo, Maynila. Kinilala ang suspect na parak na si PO1 Gabriel Mandap, 24, binata, naka­talaga sa  Manila Police District (MPD)-District Mobile Group (DMG) at residente  ng 1770   Antonio Rivera St., Tondo.  Kahapon ng umaga nang ideklarang patay ng mga doktor sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Marlon Melendrez, ng 1323 Quiricada St., Tondo.

Ayon sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw noong Linggo nang naganap ang insidente sa kanto ng  Antonio Rivera at Tayuman Sts., Tondo.

Nauna rito, ayon sa isang Rex Tan, sinampal umano ng isang Luther  Mamangon, 24, tricycle driver, ng 1323 Quiricada St., Tondo ang pamangkin nitong si Rizza sa isang inuman sa naturang lugar kabilang dito ang  biktima. Sinita umano ni Tan si Mamangon dahilan upang magsuntukan ang dalawa hanggang sa isang putok ang narinig sa naturang lugar.

Dumating umano si Mandap at sinita si Melendrez hanggang sa nagbunot  ito ng baril at barilin ang huli. Isinugod sa ospital ang huli at matapos  ang dalawang araw na pakikipaglaban kay kamatayan ay nalagutan din ito  ng hininga.

Taliwas naman ito sa salaysay ni Mandap na bago naganap ang insidente ay  rumesponde umano si Brgy.  ß∂ Chairman Arlene Tan ng Brgy 232 Zone 22 District  II dahilan sa reklamo ng ilang residente dahil sa pang­gugulo at  pagpapaputok ng baril ng mga kabataan kabilang ang biktima at si Mamangon. (Doris Franche)

ANTONIO RIVERA

ANTONIO RIVERA ST.

BRGY

CHAIRMAN ARLENE TAN

MAMANGON

QUIRICADA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with