^

Metro

Naburyong sa droga, binata nagbigti

-

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang 28-anyos na binata makaraang magkaroon ito ng diperensya sa pag-iisip dahil sa sobra umanong pag­gamit ng droga kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Dakong alas-11:10 ng gabi ng makitang naka­bigti sa loob ng kanyang kuwarto si Albert Santos, residente ng 30 Pearl St. Manotoc Sub­division Brgy. Sto. Niño ng lungsod na ito.

Ayon sa report, papasok ng kuwarto si Andrew Santos, nakababatang kapatid ng biktima nang ma­sindak ito ng makitang nakabigti at walang buhay ang kanyang utol gamit ang isang nylon cord na ipinu­lupot sa kanyang leeg at itinali sa kisame ng kuwarto.

Napag-alaman sa mga magulang ng biktima na nag­karoon umano ng diperensya sa pag-iisip ang bik­tima dahil sa sobrang gamit ng droga at akala ng mga ito ay tumigil na sa paggamit si Santos ng unti-unting gumaling.

Sa ginawang imbestigasyon natagpuan sa kuwarto ng biktima ang isang kahon ng posporo na may hinihi­nalang dahon ng marijuana at mga shabu para­phernalia kaya malaki ang paniniwala ng mga ito na hindi pa rin tumitigil ito sa paggamit ng iligal na droga. Kasalukuyang dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime laboratory upang sumailalim sa autopsiya. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALBERT SANTOS

ANDREW SANTOS

AYON

BRGY

DAKONG

EDWIN BALASA

MANOTOC SUB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with