^

Metro

Mall sa Maynila nabulabog

-

Matinding takot muli ang naghari sa shoppers ng Isetann Department Store  sa Maynila, kamakalawa ng gabi matapos na matagpuan ang isang bag na inakalang bomba, ito’y dahil na rin sa naganap na pagpapasabog sa Glorietta 2 noong Biyernes.

Ang nabanggit na pagpa-panic ng mga mamimili sa naturang mall ay matapos na maiwan ng isang batang lalaki ang kanyang bag na itim sa tabi ng hagdan malapit sa entrance nito.

Mabilis umanong ipinagbi­gay-alam ng ilang mga mami­mili sa security ng Isetann ang nabanggit na bag at mabilis naman itong ipina­amoy sa bomb-sniffing dog na naka-deploy dito.

Tatlong  ulit na inupuan ng bomb-sniffing dog ang bag na naging dahilan naman upang maglabasan ang mga mall shoppers dakong alas-6 ng gabi. Nang buksan ang bag ay negatibo naman ito sa anumang uri ng pampasabog at tanging mga drum sticks lamang ang nasa loob nito.

Gayunman, alas-7 na ng gabi nang maibalik sa normal na operasyon ang nabanggit na Mall. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BIYERNES

CRUZ

GAYUNMAN

GLORIETTA

ISETANN

ISETANN DEPARTMENT STORE

MABILIS

MATINDING

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with