Seguridad sa malls lalong pinalakas
Nagdagdag kahapon ng 98 pulis ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) upang mas lalong mapaigting ang pagbabantay sa mga mahahalagang establisimento partikular sa mga malls upang hindi na maulit ang madugong Glorietta mall bombing noong Biyernes. Ang pag-aanunsyo sa karagdagang kapulisan ng EPD ay isinabay kahapon sa paglulunsad ng “Mamang Pulis” na ginawa sa Tiendesitas sa
Ayon kay EPD chief Sr. Supt. Leon Nilo Dela Cruz, ikakalat ang nasabing bilang ng kapulisan na nagmula sa General Headquarters sa Camp Crame at Camp Bicutan sa Taguig City sa apat na lungsod na sakop nito subalit mas madami ang ikakalat sa business center ng Ortigas Center sa Pasig City dahil sa dami ng malls at malalaking establisimento dito.
Bukod dito, nagdagdag pa ng limang mobile patrol unit ang EPD at pinalitan ng mas malalakas ng uri ng baril ang mga kagawad ng Special Weapon and Tactics (SWAT) para sa mas epektibong pakikipaglaban sa mga masasamang elemento na nagkalat katulad ng mga carjackers at mga holdaper na riding in tandem. Hanggang sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang red alert status ng kapulisan ng EPD dahil sa naganap na Glorietta bombing. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending