Kanser di kinaya, mananahi nagbigti

Hindi na nakayanan ng isang 41-anyos na mana­nahi sa Tondo, Maynila na tiisin pa ang sakit na “can­cer” na 10 taon na niyang dina­dala kung kaya’t mas pinili na nitong magpati­wakal.

Matigas at wala ng bu­hay na natagpuang naka­bitin sa kisame ng bahay si Gina Lacap, dalaga, tubong Pampanga, stay-in sewer sa San Rafael Garments Malaya St., Balut, Tondo.

Nadiskubre ito ng kan­yang kaibigan na si Jocelyn Espartero sa tinutu­luyan nilang bahay sa Area 134 Brgy. 126 Zone 10 Ma­laya St. San Rafael Village Ba­lut, Tondo. Sampung taon nang naki­ki­tira ang biktima kay Joce­lyn dahil malapit lang ito sa kanilang pinapa­su­kang patahian.

“Nagpahiwatig siya sa akin na gusto na niyang ta­pu­sin ang paghihirap niya (biktima) pero hindi ko ito pi­nansin kaya nagulat na lang ako nang makita ko siyang nakabitin,” pahayag ni Jo­ce­lyn kay Jaime Gon­zales ng MPD-homicide section.

Malala na umano ang sakit na “myoma” ng bik­tima na nauwi na sa cancer. (Grace dela Cruz)

Show comments