^

Metro

Manilenyo libre na sa sine

-

Makakapanood na ng sine, tatlong beses kada linggo, ang mga residente at mga senior citizen ng Maynila matapos na ma­ipasa ng konseho ng May­nila sa ikatlo at huling pag­basa ang ordinansa na nag­tatalaga ng libreng pano­nood ng sine sa lungsod.

Sa ipinasang ordinansa na iniakda nina Manila 4th district councilor Edward V.P. Maceda IV at 3rd Dis­trict councilor Manuel Zarcal, libre nang  makaka­panood ng sine ang mga taga-Maynila at senior citi­zen tuwing Lunes, Martes at Huwebes. Subalit hindi naman maaring gamitin ang pribilehiyo tuwing unang araw ng showing ng isang pelikula at tuwing legal at special holidays.

Ipinaliwanag din ni Maceda na ang mga senior citizens ay maaaring ma­nood ng libreng sine isang beses lamang kada araw na itinakda ng ordinansa.  Dapat lamang nilang ipa­kita ang kanilang card upang ito ay malagyan ng notation. Kung may ka­sama naman ang senior citizen, ito ay dapat mag­bayad ng regular admis­sion fee.

Hindi sakop ng ordi­nansa ang mga junkets, tours o organized group activities na binubuo ng mga senior citizens. Ang junkets ay mga grupo na binubuo ng mahigit sa 10 senior citizens.

Para sa mga sinehan na tatangging papasukin nang walang bayad ang sinu­mang kwalipikadong senior citizen, posibleng magmulta ang mga ito ng P5,000 o isang buwan na pagkaku­long o pareho. (Doris Fanche)

DAPAT

DORIS FANCHE

EDWARD V

MACEDA

MANUEL ZARCAL

MAYNILA

SENIOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with