^

Metro

Mister tinarakan ni misis

-

Sinaksak ng isang misis ang kanyang mister maka­ra­­ang umano’y masiraan ng bait ang una, kahapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas at halos hindi pa makausap sa Pasay City General Hos­pital sanhi ng malalim na saksak sa sikmura ang biktimang si Severiano de Leon Jr., 45-, residente ng 115 Villaruel St., ng na­banggit na lungsod.

Agad namang tumakas ang misis ng biktima na kinila­lang si Dira matapos ang ginawa nitong pana­naksak sa huli.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Criminal Investigation Division ng Pasay City Police, dakong ala-1:20 ng madaling-araw nang maganap ang na­sabing in­sidente habang ang mag-asawa  ay nag-uusap hinggil sa problema sa kanilang pag­sasama.

Nabatid na bunga ng mga hinaharap na suli­ ranin, biglang nawala sa katinuan ang suspect at kumuha ito ng patalim sa kusina at walang sabi-sabing sinak­sak ang mister sa sikmura.

Nang duguang bu­magsak ang mister ay agad na nagta­takbo palabas ng bahay ang ginang.

Agad namang isinugod ang biktima ng kanyang mga ka­anak sa pagamutan para sa karampatang lunas nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

LEON JR.

PASAY CITY GENERAL HOS

PASAY CITY POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

VILLARUEL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with