^

Metro

Empleyado ng mall, binoga sa ulo

-

Nasa kritikal  na  kondisyon  ngayon  ang isang empleyado ng mall makaraang barilin  ng  dalawang ulit  sa ulo ng isa sa tatlong kalalakihan na nag-abang sa kanya,  kahapon  ng  madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ginagamot sa Mary Johns­ton Hospital si Ruel Baltazar, binata, checker ng SM Manila ng 1337 Sevilla St., Tondo dahil sa dalawang  tama ng bala sa ulo.

Habang  pinaghahanap naman ang suspect na si Aries Villar, 28, ng 401 Int., 9 Perla St., Tondo at dalawang ka­sama nito.

 Ayon  sa imbestigasyon, dakong alas-3:15 ng ma­daling-araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Moriones at N. Zamora Sts.,  Tondo.

Naglalakad umano  ang biktima kasama ang ilang kasamahan sa  trabaho galing sa isang birthday party  nang pagdating sa naturang lugar  ay biglang sumulpot    ang mga suspect kung saan   naglabas ng baril si Villar at walang  sabi-sabing binaril ang biktima ng dalawang beses sa ulo  ha­bang ang dalawa nitong kasa­mahan ay nagsilbing look-out.

Nabatid na ang biktima at si Villar ay dati nang may alitan at matagal na umanong ina­abangan ng huli ang una hanggang sa  nag-krus ang kanilang landas. (Doris M. Franche)

vuukle comment

ARIES VILLAR

DORIS M

PERLA ST.

RUEL BALTAZAR

ZAMORA STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with