^

Metro

P2.50 taas pasahe sa bus isinampa sa LTFRB

-

Isinampa kahapon sa Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga ope­rator ng pampublikong buses ang P2.50 fare-hike dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Sa petisyon na isinam­pa ng Integrated Metro bus Operators Association Inc. (IMBOA); Inter City Bus Ope­rators Association (In­ter­boa) at North-East Ma­nila Bus Operators Group, hiniling nila ang pagtataas sa pasahe mula sa P8 pa­tungo sa P10.50 sa unang limang kilometro.

Bukod dito, hiniling rin nila ang pagtataas sa kasa­lukuyang P1.75 ng 35 sen­timo kada dagdag na kilo­metro. Iginiit rin ni Imboa pre­­sident Claire dela Fuente na magsasampa rin sila ng hiwalay na pe­ tisyon sa LTFRB para itaas rin ang pasahe sa mga air condi­tioned buses  ng 20 por­siyento.

Mistulang hostage na­man ng mga bus oragani­zation ang LTFRB nang sabihin ni Dela Fuente na kanilang iaatras ang petis­yon kung matutugunan ng pamahalaan ang mga isyu sa sektor ng transpor­tas­yon. Kabilang dito ang: pag­babago  sa  C5  U-turn  slot sa Libis-Ortigas; pagpa­pababa sa computer fees na sinisingil ng Land Trans­portation Office-Stradcom; isyu sa Compulsory Third Party Liability insurance. Dagdag pa rito ang mo­ratorium sa imple­mentas­yon ng mga ordinansa sa batas trapiko ng mga local government units (LGUs) at pagtatanggal sa 25% ko­misyon ng mga traffic enforcers. (Danilo Garcia)

BUS OPERATORS GROUP

COMPULSORY THIRD PARTY LIABILITY

DANILO GARCIA

DELA FUENTE

INTEGRATED METRO

INTER CITY BUS OPE

LAND TRANS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with