Rep. Beltran sugatan sa aksidente

Duguan ang ulo ni Anak­ Pawis partylist Rep. Crispin Beltran nang isugod ito sa Philippine General Hospital (PGH) matapos na maka­salpukan ng sasak­yan nito ang isa pang sa­sakyan habang patungo sa isang pag­pu­pulong sa Intra­muros, Maynila, ka­hapon ng umaga.

Batay sa report ng Ma­nila Traffic Bureau, ang bang­gaan ay naganap dakong alas-9 ng umaga sa kanto ng Victoria at Gen. Juan Luna Sts., Intramuros, Manila.

Galing sa Makati ang minamanehong silver gray na Ford Everest (ZFJ-427) ni Bernard Madriona, 30, negosyante, ng 24 Gov. Licaros Ave., BF Resort Las Piñas City at pagsapit sa kanto ng naturang lugar nang sumulpot naman ang minamanehong cream na Hi-Ace Toyota (No. 8) ni Jimmy Miranda na sakay nito si Rep. Beltran at nag­salpukan ang dalawang sasakyan.

Tumama ang kanang harapang bahagi ng sa­sakyan ni Miranda sa kaliwang bahaging sinasak­yan ni Beltran at dahil umano sa lakas ng impact ay tumama ang ulo ng huli sa windshield dahilan upang isugod ito sa ospital. Dumugo ang ilong at nag­ka­pasa si Beltran dahil sa pangyayari.

Nabatid na patungo si Beltran sa isang pagpu­pulong sa Centennial First Philippine Assembly sa Old Ayuntamiento Bldg., Intra­muros, Manila subalit hindi na ito tumuloy dahil sa insidente.

Nagsasagawa ng im­bes­tigasyon ang traffic police hinggil sa insidente. Gayunman, sinabi ni Bel­tran na magpapa­sa­gawa rin umano siya ng masusing imbestigasyon sa posibi­lidad na ito ay kaga­gawan ng kanyang mga kaalitan sa pulitika.

Show comments