Rep. Beltran sugatan sa aksidente
Duguan ang ulo ni Anak Pawis partylist Rep. Crispin Beltran nang isugod ito sa Philippine General Hospital (PGH) matapos na makasalpukan ng sasakyan nito ang isa pang sasakyan habang patungo sa isang pagpupulong sa Intramuros, Maynila, kahapon ng umaga.
Batay sa report ng Manila Traffic Bureau, ang banggaan ay naganap dakong alas-9 ng umaga sa kanto ng
Galing sa Makati ang minamanehong silver gray na Ford Everest (ZFJ-427) ni Bernard Madriona, 30, negosyante, ng 24 Gov. Licaros Ave., BF Resort Las Piñas City at pagsapit sa kanto ng naturang lugar nang sumulpot naman ang minamanehong cream na Hi-Ace Toyota (No. 8) ni Jimmy Miranda na sakay nito si Rep. Beltran at nagsalpukan ang dalawang sasakyan.
Tumama ang kanang harapang bahagi ng sasakyan ni Miranda sa kaliwang bahaging sinasakyan ni Beltran at dahil umano sa lakas ng impact ay tumama ang ulo ng huli sa windshield dahilan upang isugod ito sa ospital. Dumugo ang ilong at nagkapasa si Beltran dahil sa pangyayari.
Nabatid na patungo si Beltran sa isang pagpupulong sa Centennial First Philippine Assembly sa Old Ayuntamiento Bldg., Intramuros, Manila subalit hindi na ito tumuloy dahil sa insidente.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang traffic police hinggil sa insidente. Gayunman, sinabi ni Beltran na magpapasagawa rin umano siya ng masusing imbestigasyon sa posibilidad na ito ay kagagawan ng kanyang mga kaalitan sa pulitika.
- Latest
- Trending