^

Metro

Australian Navy sa table top exercise

-

Nakatakdang mag­sa­gawa ng 4-day table-top exercise ang Aus­tralian Naval forces sa counter­parts nito sa tropa ng Armed Forces of the Philippines na naglala­yong mapalakas pa ang pagbabantay sa segu­ridad sa teritoryo ng kara­gatang nasasa­ku­pang ng bansa.

Ayon kay Navy Lt. Alex Garso, tagapag­salita ng Naval Forces Central, ang ikapitong yugto ng taunang Philip­pine Navy-Royal Austra­lian Navy Exercise Lum­bas 2007 ay sisimulan mula Miyerkules hang­gang Sabado.

Sinabi ni Garson na aabot sa  200 hanggang 300 sundalong Pilipino ang lalahok sa pagsa­sanay.

Nabatid na ang Aus­tralian troops na lulan ng HMAS Parramatta ay dadaong sa Cebu City bukas kung saan ang nasabing barko ay may kapabilidad na lumutang at lumubog sa ilalim ng dagat, magsagawa ng surveillance, reconnais­sance, interdiction ope­ra­tions at air defense.

Dahilan sa pormal na kick-off ng Lumbas 2007 ay aabot na sa tatlo ang bilang ng joint exercises sa pagitan ng Filipino troops at ng mga dayu­hang hukbo na ka­al­yado ng Pilipinas.

Ang Philippine Air Force ‘Talon Vision’ exer­cises kasama ang Ame­rican troops ay mag-uu­mpisa ngayong  Mar­tes sa Clark Air Base sa Pam­panga at Subic Naval Base sa lalawigan ng Zam­bales. (Joy Cantos)

ALEX GARSO

ANG PHILIPPINE AIR FORCE

ARMED FORCES

AUS

CEBU CITY

CLARK AIR BASE

JOY CANTOS

NAVAL FORCES CENTRAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with