Hindi inalok ng tagay, nag-amok: 3 sugatan

Kritikal sa pagamutan ang tatlo katao na kinabi­bilangan ng isang lolo ma­ta­ pos na ataduhin ang mga ito ng saksak ng nag-amok nilang kapitbahay, kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan  City.

Pawang inoobserbahan sa Tala Hospital at East Avenue Medical Center san­hi ng mga tinamong mga  saksak ang mga bikti­mang sina Apolonio Oren­dain, 42, lineman; Jhun Salvador, 31; at Amado Angeles, 60, pawang naka­tira sa Bukloran, Pitong Bahay, Brgy. 177, Camarin, ng nabanggit na lungsod,

Agad namang naaresto ng rumespondeng mga ba­rangay tanod ang sus­pect na si Cristobal Garcia, alyas Balwig, 42.

 Batay sa ulat ng Ca­loocan City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng isa sa mga biktima sa naturang lugar. Nabatid mula sa ilang residente na bago umano maganap ang pananaksak ay nag-iinuman ang mga biktima kung saan ay hindi man lamang umano kini­kibo at niyayang uminom ang suspect.

Sa sobrang pagkaasar umano ni Garcia ay bigla na lamang nilapitan nito ang tatlo at sa pamamagitan ng hawak na basag na bote ng alak at patalim ay pinag-uundayan ng saksak ang mga huli. Matapos ang pananak­sak ay mabilis na tumakas ang suspect su­balit agad naman itong naaresto ng mga rumes­pondeng mga barangay tanod ng nasabing lugar. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments