^

Metro

Habambuhay sa 3 parak sa kidnap

-

Habambuhay na pagka­bilanggo ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban sa tatlong dating pulis Maynila matapos mapatunayang nag­kasala  sa kasong pag­dukot at pagpatay sa isang Chinese trader noong Hulyo 2003.

Sa kanyang desisyon, sinabi ni QC RTC Judge Alexander Balot ng RTC branch 76 na sina PO1 Ca­sem Ote, PO1 Papeniano Razos at PO2 Murpy Uddin ay guilty sa pagkidnap at pagpatay sa 71-anyos na negosyanteng si Amelia Barreto.

Ang tatlo ay pawang mga dating miyembro ng WPD. Ilan lamang sa mga ebedensiyang ginamit sa kaso ay ang dalawang mo­bile phones na pagmamay- ari ng mga suspek na nag­tugma sa cellphone na gi­namit  sa  pakikipag-ne­gosas­yon sa pamilyang Barreto.

Si Barreto ay pinaslang ng mga suspek matapos na ang kanyang pamilya ay nagbayad ng ransom. (Angie dela Cruz)

AMELIA BARRETO

ANGIE

BARRETO

JUDGE ALEXANDER BALOT

MURPY UDDIN

PAPENIANO RAZOS

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

SI BARRETO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with