Mag-asawang trader todas sa holdap
Patay ang mag-asawang negosyante makaraang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan na nakasakay sa motorsiklo na nangholdap sa mga ito, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Idineklarang dead-on- arrival sa Mandaluyong Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Renato Rosarial, 35, at asawa nitong si Marina, 40, may-ari ng isang pawnshop at residente ng Coronado Heights Brgy. Barangka Ibaba ng lungsod na ito.
Samantala agad na tumakas ang mga hindi pa kilalang suspek matapos makuha ang isang belt bag na umanoy pinaglalagyan ng halagang P400,000 na gamit sa kanilang negosyo.
Ayon kay Sr. Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police, naganap ang insidente dakong alas-8:40 ng gabi sa kahabaan ng
Nabatid na sakay ng kanilang motorsiklo na may plakang ZM-9521 ang mga biktima pauwi sa kanilang bahay at pagsapit sa madilim na bahagi ng lugar ay bigla na lang sumulpot ang mga suspek sakay din ng motorsiklo at malapitang pinagbabaril ang mag asawa.
Matapos ang pamamaril ay agad na kinuha ng isa sa mga suspek ang belt bag na nakasuot sa lalaking biktima bago mabilis na tumakas.
Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng Mandaluyong police para sa posibleng pagkakakilala sa mga suspek at pag-aresto sa mga ito.
- Latest
- Trending