Mag-bestfriend nag-duelo: 1 patay
Madugong trahedya ang hinantungan ng matagal ng samahan ng mag-best friend na matadero matapos na mag-dwelo ang mga ito nang magka-asaran sa pustahan sa laban nina Manny Pacquiao at Antonio Barrera rematch, ka makalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Patay na nang idating sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng mga tinamong saksak sa dibdib ang biktimang si Lorence Bauas, 32, residente ng
Batay sa ulat ng Muntinlupa Police, ang insidente ay naganap dakong alas-6:25 ng gabi sa Fresnedi Slaughter House na nasa San Guillermo
Nabatid na bago ang insidente ay unang nanood ang dalawa sa laban nina Pacquiao at Barrera kung saan pumusta umano ang suspect sa Mehikanong boksingero, habang ang biktima ay kay Pacquiao naman pumusta.
Nang tanghalin na kampeon si Pacquiao, dito ay siningil na ng biktima si Recto kaugnay ng napagkasunduan nilang halaga subalit tumanggi umano ang suspect na ibigay ang perang napanalunan ng una.
Dahil dito, nagalit ang biktima, kumuha ng patalim at pilit na kinukuha ang napanalunang pusta dahilan naman upang mapikon umano ang suspect at walang sabi-sabing inunahan nitong saksakin ang una gamit ang patalim na ginagamit sa pangkatay ng hayop.
Agad namang naaresto ang suspect ng mga rumespondeng pulis. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending