Bumababa ang quality ng ‘clean’ water sa bansa.
Ito ang resulta sa isinagawang pag-aaral na nagsabing maging ang mga bottled water ay nagtataglay ng matataas na levels ng metals, ayon sa environmental watchdog Greenpeace.
Ayon sa Greenpeace na kumuha sila ng samples ng tubig sa iba-ibang sources kabilang ang bottled water, rivers at tap water, na ang bawat isa ay nagpapakita ng levels ng contamination.
Ang samples ng tap water sa Manila at kalapit lalawigan ng Bulacan ay napag-alamang nagtataglay ng “votatile organic chemicals” mataas na levels ng metals.
Lumalabas naman sa sinuring bottled water na binili sa Metro Manila ay nagtataglay ng mas mataas kaysa sa usual levels ng zinc.
Lumalabas din sa pag-aaral na ang groundwater sorces na malapit sa electronics at semi-conductor factories sa labas ng Metro Manila ay sinasabing “ evidence of environmental contamination by a diverse range of chemicals”. (Agence France Presse)