^

Metro

Guro nagbaril sa harap ni mister

- Edwin Balasa -

Sabog ang mukha ng isang 31-anyos na guro matapos na mag­baril sa sarili gamit ang isang shotgun sa gitna nang pagkiki­pagtalo niya sa   kanyang mister, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Nakilala ang nasawi na si Mylene Cambay, ng 836 J. Molina St., Brgy. Concepcion Uno ng nabanggit na lungsod.

Samantala kasalukuyang nakapiit naman sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms ang suspek na si Darwin Cambay 30, asawa ng biktima at nagtatrabaho sa main branch ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Posible rin itong maharap sa kasong parricide sakaling mapatunayang siya ang bumaril sa asawa at hindi ito isang kaso ng suicide.

Ayon kay Supt. Sotero Ramos Jr., hepe ng Marikina police, na­ga­nap ang insidente dakong alas 4:45 ng hapon sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nabatid na nagpaalam ang suspek sa kanyang misis na may pupuntahan ito sa isang lugar sa Quezon City subalit hindi ito pina­yagan ng biktima dahilan upang mauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Sa panayam sa suspek, sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay bigla na lang umanong kinuha ng kanyang asawa ang kanyang improvised shotgun at itinutok iyon sa kanyang baba saka kinalabit.

 “Hindi ko na po naabutang pigilin ang asawa ko ng bigla nitong kunin ang shotgun kong  nakatago at itutok sa kanyang baba bago nito pinaputok,” pahayag ng suspek sa panayam ng pahayagang ito.

Naabutan naman ng mga rumespondeng kapitbahay ang suspek na kalong kalong na ang wala ng buhay na misis  kaya agad na silang humingi ng tulong sa pulisya.

Dahil sa hindi kumbinsido ang pulisya sa mga pahayag ng suspek ay dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime laboratory para sumailalim sa autopsiya habang inaantay pa ng pulisya ang resulta ng ginawang paraffin test sa suspek upang malaman kung nagpaputok ito ng baril.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CONCEPCION UNO

DARWIN CAMBAY

MARIKINA CITY

MOLINA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with