Totoy nagulungan ng dyip

Isang tatlong taong gulang na batang lalaki ang nasawi matapos mapisak, magulungan at makaladkad  ng isang owner type jeep na minamaneho ng  isang em­pleyado ng Court of Appeals kahapon sa lungsod Ca­loocan.

Kinilala ni Sr. Insp. Abner Yambao Castro, hepe ng Station Traffic Enforcement Unit ng Caloocan Police, ang biktima na si Kenji Galdones ng 6 Boston Street, University Hills ng na­banggit na lungsod.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang driver na si Danilo Salvador, 63, may-asawa, at Utility II ng Court of Appeals.

Lumilitaw sa pagsisiya­sat na bumabagtas  sa UE Subdivision sa may tapat ng Drexel Technology sa  na­turang lunsod ang owner-type jeep na minamaneho ni Salvador nang biglang tumawid ang biktima at masalpok ito ng sasakyan.

Nagulungan pa ang katawan at ulo ng bata at nakaladkad ng ilang metro ng jeep.  Nahaharap si Sal­vador sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Lordeth Bonilla)

Show comments