Trader na may-ari ng tone-toneladang ‘hot meat’ kinasuhan
Pormal ng kinasuhan kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office ang isang negosyanteng Tsinoy at may-ari ng tone-toneladang nangangamoy at inaamag na pata ng baboy na nasabat kamakailan sa lungsod ng
Kasong paglabag sa Republic Act 7394 o consumers act of the Philippines at R.A 9290 o meat inspector code of the Philippines ang isinampa laban kay Susan Co, ng #220 F. Sanchez St. Pasay City.
Ito ay matapos ang masusing pagsusuri na isinagawa ng Task Force Bantay Karne ng National Meat Inspection Service (NMIS).
Ayon kay Dr. Ronald Bernasor, hepe ng Veterinary Office ng Pasay City, nabatid na si Co ay nabigong magpakita ng meat inspection certificate para sa mga nakumpiskang mabahong karne ng baboy, bukod pa sa hindi refrigerated van ang pinagkargahan ng mga ito habang ibinibiyahe at idi-deliver sa mga palengke ng nasabing lungsod.
Magugunitang nakumpiska sa loob ng 40-footer container van na may plakang CVZ-494 na nasabat sa kahabaan ng
- Latest
- Trending