^

Metro

Kidnapper ng Tsinoy trader timbog

-

Bumagsak sa pinagsa­nib na operatiba ng Police Anti-Crime Emergency Res­ponse (PACER) at Que­zon City Police ang isang most wanted na miyembro ng kidnap for ransom (KFR) gang  na responsable sa pagdukot sa isang mayamang negos­yanteng Tsinoy sa operas­yon sa Quezon City.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame , iniharap ni PNP at PACER Chief Director General Ave­lino Razon Jr. ang nasako­teng suspect na si Rolando Pardito, 25,  at tubong Unisan, Quezon.

Ayon kay Razon, ang suspect ay nasakote sa Free­dom Park, Batasan Hills , Quezon City matapos na matiyempuhan ng mga operatiba na umiistambay sa nasabing lugar kung saan ay matagal na itong isinasailalim sa  surveil­lance operations.

Sinabi ni Razon na si Pardito ay ika-30 sa talaan ng mga most wanted na KFR gang at may patong sa ulong P 300,000.

Dinakip ang suspect sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Stephen Cruz ng Regional Trial Court Branch 8 ng Lucena City sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Ang suspect ay sangkot sa pagkidnap sa maya­mang Tsinoy trader  at driver nito sa Laguna noong Agosto 2003. Ang mga biktima ay pinalaya sa isang lugar sa lalawigan ng Que­zon matapos na magbayad ng malaking halaga ng ransom ang pa­milya nito.

Nabatid na si Pardito, ang ama nitong si Leopoldo Pardito at kapatid na si Mario Pardito ay pawang magkakasabwat sa KFR activities.

Ang kanilang ama na naaresto noong 2003 ay na­sawi matapos na atake­hin sa puso sa Quezon Provincial Jail, habang ang kapatid naman nitong si Mario ay napaslang sa engkuwentro sa pinagsanib na elemento ng Pampanga Police at dating National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) sa lalawigan ng Pampanga noong 2004.

Sa tala ng PACER, sinabi ni Razon na sa kasa­lukuyan ay aabot sa 25 pang most wanted kid­napper ang pakay ng ka­nilang manhunt operations. (Joy Cantos)

BATASAN HILLS

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVE

QUEZON CITY

RAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with