Pekeng pulis timbog ng NBI
Isang impostor na pulis ang inaresto ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation nito sa
Ang suspect ay kinilalang si Joselito Sison Garcia, 37, ng Lot 1 Blk 5 Francisco Homes Phase 1, San Jose del Monte City, Bulacan.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang NBI kaugnay sa ilegal na aktibidad ng suspect kung saan nagpapanggap umano ito bilang miyembro ng Presidential Security Group at ginagamit ang lagda at seal ng Pangulo upang makapagpalabas ng mission order.
Bukod dito, kinakalakal pa umano ng suspect ang nabanggit na mission order sa pamamagitan ng “pagbebenta” nito at may pirma ng isang P/C Insp. Joselito Garcia ng PSG. Ang nabanggit na mission order ay ibinibenta umano ng suspect upang makapagdala ng baril ang mga “kliyente” nito. Nagpapakilala din umano ang suspect bilang isang police major na nakatalaga sa Malacañang at group commander ng pekeng Presidential Monitoring Group. Hindi lamang umano ang mission order ang ibinebenta ng suspect kundi iba pang dokumento na mayroong pekeng seal ng Philippine National Police at Department of Interior and Local Government (DILG). (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending