^

Metro

4 carjackers todas sa shootout

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

Apat na pinaghihina­laang miyembro ng notor­yus na carjacking gang ang napatay sa shootout ng  mga elemento ng PNP-Traf­fic Management Group (PNP-TMG) Task Force Limbas  matapos ang ilang minutong habu­lan sa ka­habaan ng C-5 Road sa Taguig City ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ni  PNP-TMG Director Chief Supt. Per­fecto Palad sa pamama­gi­tan ng nakuhang identi­fication card ang dalawa sa mga napatay na sus­pect na sina Isao Gona, 45, ng Murphy, Quezon City at  Gerardo Lasi Moster, 32;  ng Lipa City.

Patuloy namang ina­alam  ang pagkakakilan­lan sa dalawa pang na­todas na carjackers.

Bago ito, ayon kay PNP-TMG Task Force Lim­bas/Special Opera­tions Division Chief Sr. Supt. Fer­nando Villa­nueva ay naka­tanggap sila ng im­ por­mas­yon kamakalawa bandang alas-9 ng gabi na aatake ang isang grupo ng mga carjackers sa kaha­baan ng C-5 kung saan ay agad silang nakipagko­ordinas­yon sa TMG-Na­tional Ca­pital Region Traffic Ma­nage­ment Office para mag­latag ng choke­points.

Nabatid na naganap ang shootout sa kahaba­an ng C-5 Road, Brgy. Buting, Taguig City da­kong alas-2 ng madaling- araw.

Ayon kay Palad, ang mga suspect ay pawang mga dating miyembro ng pulisya at militar ay res­ponsable umano sa serye ng carjacking na naga­ganap sa C-5 Road.

Nabatid na hinarang ng PNP-TMG’s anti-carnap­ping unit, Task Force Lim­bas ang kahina-hinalang copper-orange na Mitsu­bishi Adventure na may plakang XRS-951 na sina­sakyan ng mga suspect.  Ang nasabing plate number ay natuklasang orihinal na plaka ng isang Toyota Revo na pag-aari ni Rema Advin­cula ng 50-A, K-4th, Kamu­ning, Quezon City na na­wala habang nakaparada sa Mai Alta Subdivision sa Antipolo City noong Abril 9, 2006.

Wala umanong LTO stickers ang nasabing sa­sakyan kung saan pagsapit sa chokepoints ay huma­gibis ito bunsod upang tugisin ang mga ito ng mga operatiba. Imbes na humin­to ay pinaulanan ng mga sus­pect ng putok ng baril ang operatiba dahilan upang gumanti ang mga ito.

Tatlo sa mga suspect ay namatay noon din, habang idineklara namang dead on arrival sa Rizal Medical Center sa Pasig City ang driver na si Gona.

Narekober ng mga awto­ridad sa loob ng Mitsu­bishi Adventure ang tatlong cal. 45 pistols, isang frag­mentation gre­nade, tatlong mobile cell­phones at iba pa.

ANTIPOLO CITY

QUEZON CITY

SHY

TASK FORCE LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with