^

Metro

Away sa trapik: Mag-amo dedo sa abogado

- Edwin Balasa -

Patay ang dalawa katao na kinabibilangan ng isang bise presidente ng isang kompanya at katulong nito makaraang pag­babarilin ng isang abo­gado dahil sa awayan sa trapiko kahapon ng hapon sa Pasig City.

Namatay habang ginaga­mot sa Medical City sanhi ng tina­mong tama ng bala sa ka­tawan ang mga biktimang sina Edgardo Calesares, vice president ng Total Information Management na nasa Makati City  at ang ka­tulong nito na si Catherine Palmero.

Samantala, sumuko na­man sa himpilan ng Pasig police ma­ka­lipas ang ilang oras ang suspek na nakilala lamang na Atty. Manito Her­nan­dez, resi­dente ng 7 Sun­hill, Brgy. Capi­tolyo ng nasa­bing lungsod.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa kahabaan ng Shaw Blvd. sa kanto ng En­driga St. Brgy. San Antonio ng nasabing lungsod.

Nabatid na sakay ng Toyota Corolla na kulay gray ang sus­pek nang magkainitan sila ng lalaking biktima sakay ng Nissan Cefiro na kulay gray.

Nang mapikon ang suspek ay bumaba ito sa kanyang sa­sak­yan bitbit ang hindi pa batid na kalibre ng baril at pinagbabaril ang mga biktima sa loob ng kanilang sasakyan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang sus­pek subalit naplakahan ang kanyang sasakyan ng mga nakasaksi.

Sa kasalukuyan ay ayaw pang magpalabas ng impor­mas­yon ang Pasig police hing­gil sa kumpletong pagkakaki­lan­lan ng suspek na ngayon ay nasa him­pilan na ng Pasig Police Head­quarters.

CATHERINE PALMERO

CITY

EDGARDO CALESARES

MAKATI CITY

PASIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with