Housemaid binurdahan ng saksak

Masaklap na kamata­yan ang sinapit ng isang probinsiya­nang katulong matapos na tadtarin ng saksak ng hindi pa naki­kila­lang mga salarin, kamakalawa ng gabi sa Caloocan  City.

Namatay sa mismong pinangyarihan ng insiden­te sanhi ng hindi mabilang na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang bik­timang si Susana Lumac­tod, 28, tubong Surigao del Norte at stay-in house­maid sa 32 Progreso St., Brgy. Tugatog, Malabon City.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masu­sing imbes­tigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng mga suspect na mabilis na tumakas matapos ang isinaga­wang krimen at ang mo­tibo ng mga ito sa pama­maslang sa biktima.

Batay sa ulat ng pu­lisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Block 6, Labahita St., Ka­unlaran Village, Caloocan  City.

Lumalabas  sa isina­gawang imbestigasyon  na kasalukuyan uma­nong naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang salu­bungin ito ng hindi naki­kilalang mga salarin na pawang armado ng pa­talim. Bago tuluyang pas­langin ng mga suspect ang biktima ay posibleng iginapos muna umano ang dalawang kamay nito, tinakpan ang bibig upang hindi makapanghingi ng tulong saka inundayan ito ng sunud-sunod na sak­sak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang isina­ilalim sa autopsy ang bangkay ng biktima upang alamin kung may nang­yaring panggagahasa dito bago siya tuluyang pasla­ngin ng mga suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments