^

Metro

Riding in tandem muling kumana

-

Muli na namang umatake ang grupo ng motorcycle riding on tandem na mga holdaper matapos harangin ang isang kotse ay tangayin ang halagang P200,000 na winithdraw ng magkakapatid na biktima sa isang banko kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Kinilala ang magkakapatid na biktima na sina Jennifer, 31, Jaqueline, 27, at Kane Chua, 24, na ngayon ay nagpapagaling sa ospital matapos magtamo ng dalawang tama ng baril sa hita at kamay, pawang mga residente ng Essensa Towers, Makati City.

Ayon sa ulat, naganap ang panghoholdap dakong alas-3:15 ng hapon sa kahabaan ng Julia Vargas Brgy. Ugong ng lungsod na ito.

Nauna rito, nagwithdraw ng  nasabing halaga ng pera ang mga biktima sa Metrobank, Libis, Quezon City Branch. Pauwi na ang mag­kakapatid lulan ng kanilang Toyota Rav 4 na may plakang ZHX-158  at binabagtas ang lugar   ay bigla na lang silang dinikitan ng dalawang motorsiklo sa magkabilang bahagi ng sasakyan. Agad silang   pinaputukan  ng dalawang beses na parehas tumama kay Kane na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Matapos huminto ang sasakyan ay agad na pinabuksan ng mga suspek ang pinto at kinuha ang nasabing pera bago mabilis na tumakas. Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa ikalulutas ng kaso. (Edwin Balasa)

EDWIN BALASA

ESSENSA TOWERS

JULIA VARGAS BRGY

KANE CHUA

MAKATI CITY

PASIG CITY

QUEZON CITY BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with