^

Metro

Taxi driver hinoldap na, ginilitan pa

-

Hinihinalang  nanla­ban ang isang 62-anyos na taxi driver sa posibleng mga holdaper matapos na gilitan ito sa leeg sa loob ng kanyang sasakyan, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Ernesto Aparecio, driver ng GM Ibarra taxi (PWA-209) na may ga­rahe sa Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-3 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang taxi sa isang madilim na bahagi ng Magat Salamat Street, Pro­ject 4, ng naturang lungsod.

Ayon sa mga resi­den­te ng lugar, dakong alas-10:30 ng gabi nang una nilang napansin ang natu­rang taxi na naka-high beam ang ilaw at tuma­takbo ang metro kaya inakala nila na may hini­hintay lamang ito.

Nagtaka naman sila nang lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin ito uma­alis dagdag pa na wala silang makitang tsuper.  Dito na humingi ng tulong ang mga residente sa barangay tanod sa lugar na siyang nakadis­kubre sa bangkay ng bik­tima na nakalugmok sa sahig ng sasakyan.

Sinabi ng pulisya na panghoholdap ang pa­ngu­nahing motibo ng na­turang krimen dahil sa na­limas ang lahat ng kinita ng biktima at mga alahas.  Maliban dito ang isang P50 bill na nakita sa sahig ng taxi na possible uma­nong nalaglag ng mga suspek sa kanilang pag­ma­madali.

Hinihinala ng mga im­bestigador na nasa da­la­wa hanggang tatlong sus­pek ang may kaga­gawan ng krimen.  (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

ERNESTO APARECIO

MAGAT SALAMAT STREET

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with