Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 41-anyos na ama makaraang ireklamo ng panghahalay sa sariling anak sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Ang suspek na nakilalang si Salvador Cruz ng Area A, Gate 20, Parola Compound ay nakadetine ngayon sa Manila Police District-Station 1 matapos ireklamo ng sariling anak na babae ng kasong rape.
Nabatid na nagreklamo ang 18-anyos na biktima sa pulisya kasama ang isang kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa ilang ulit na pang-aabuso sa kanya ng suspek at ang pinakahuling insidente ay naganap noong Sabado ng Setyembre 15 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan.
Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa pangunguna ni P/Insp. Arnulfo Gempaso ng Delpan Police Community Precinct na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa loob mismo ng kanilang bahay. (Grace dela Cruz)