^

Metro

Manhole bantayan

-

Hiniling kahapon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority sa mga opisyal ng barangay na paigtingin ang pagbabantay sa mga takip ng imburnal at iba pang gamit ng pamahalaan na inilagay sa nasa­sakupan nilang lugar upang hindi malapas­tangan ng mga kawatan.

Ayon kay MMDA Chairman Bayani Fernando, isa sa mga nagiging dahilan ng pagbabaha sa lansangan tuwing bumubuhos ang malakas na ulan ay ang pagbabara ng mga imburnal na napupuno ng basura dahil sa kawalan ng takip.

Sa ngayon ay pare-pareho na aniya ang ginawa nilang takip ng mga imburnal na hindi na bakal kundi konkretong semento upang hindi na pag-interesang nakawin subalit may ilan pa ring matitigas ang ulo na nag-aalis ng takip sa pag-aakalang may bakal pa silang  mapapakinabangan. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

HINILING

METROPOLITAN MANILA DEVE

ROSE TAMAYO-TESORO

TAKIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with