Smokey magiging “Silicon Mountain”

Matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang legalidad ng Smokey Mountain Development and Reclamation Project, malaya nang maisu­sulong ang programa para gawin ang lugar na sentro ng information technology at tatawaging Silicon Mountain gaya ng Silicon Valley ng United States.

Sa pahayag ni Fr. Ben Beltran, parish priest ng Smokey Mountain sa Balut, Tondo, Manila, ito ang magiging kauna-unahang “digital community” sa bansa na nagla­layong magbigay ng ser­bisyo ng mga IT experts lalu na sa data encoding sa iba’t ibang organisas­yon o negosyo sa mundo.

Sinabi ng pari na tumanggap na ng alok ang komunidad para lumahok sa bidding ng World Vision na manga­ngailangan ng maraming data encoders sa misyon nitong tumulong sa mga dahop na bansa, lalo na yung mga sinalanta ng kalamidad.

Ang WV na nakabase sa Seattle, Washington ang pinakamalaking relief organization sa Daigdig. Ito rin ang nagbigay ng tulong pinansyal sa Smokey para sanayin ang mga residente sa computer technology. Tumulong din sa prog­rama ang Polytechnic University of the Philippines na nagbigay ng mga tagapagturong nag­sanay sa mga kabataan ng Smokey.

Ayon kay Beltran, pati ang mga computers ay donasyon ng mga indi­bidwal at samahang nag­­ mamalasakit sa ka­nilang programa. Nga­yon, may mga IT professional na mula sa Smokey Mountain na nagtatrabaho sa mga malalaking kom­panya lalo na sa Makati.

Inihayag din ni Beltran ang planong magtayo ng isang IT university sa naturang komunidad na tinatawag na ring Paradise Heights.

Show comments