Isang abogado ng Public Attorney’s Office ang tinanggalan ng lisensya ng Supreme Court dahil sa pagtanggap ng attorney’s fee mula sa isang kliyente ng PAO.
Napatunayan ng Mataas na Hukuman na nagkasala sa lawyer’s oath at code of professional responsibility si Atty. Jose Imbang.
Sinabihan din ng Hukuman si Imbang na ibalik ang halagang P15,000 na siningil niya sa biktimang si Diana Ramos bilang attorney’s fee noong 1992.
Sinabi ng SC na malinaw na nagkamali si Imbang nang humawak ito ng pribadong kaso at tumanggap ng attorney’s fee habang nanunungkulan bilang abogado ng PAO.
Nilinlang pa ni Imbang si Ramos dahil wala siyang ginawa sa kaso nito kahit nabayaran na siya. (Grace dela Cruz)