^

Metro

Abogado tinanggalan ng lisensya

-

Isang abogado ng Public Attorney’s Office ang tinanggalan ng lisensya ng Supreme Court dahil sa pagtanggap ng attorney’s fee mula sa isang kliyente ng PAO.

Napatunayan ng Mataas na Huku­man na nagkasala  sa lawyer’s oath at code of professional responsibility si Atty. Jose Imbang.

Sinabihan din ng Hukuman si Im­bang na ibalik ang halagang P15,000 na siningil niya sa biktimang si Diana Ramos bilang attorney’s fee noong 1992.

Sinabi ng SC na malinaw na nagka­mali si Imbang nang humawak ito ng pribadong kaso at tumanggap ng attorney’s  fee habang nanunungkulan bilang abogado ng PAO.

Nilinlang pa ni Imbang si Ramos  dahil wala siyang ginawa sa kaso nito kahit nabayaran na siya. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

CRUZ

DIANA RAMOS

HUKU

HUKUMAN

IMBANG

ISANG

JOSE IMBANG

MATAAS

PUBLIC ATTORNEY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with