^

Metro

Malate rape-slay victim nakilala

-

Kasalukuyang tinutugis ng Manila Police District ang isang pedicab driver na hinihi­nalang suspek sa paggahasa at pagpatay sa isang babae na natagpuang tadtad ng saksak at hubad ang katawan sa isang kalye sa Malate, Maynila noong Sabado ng madaling-araw.

Kasabay nito, nakilala na rin ang biktima na si Christina Austria Aguilar, 18, isang Food Attendant sa Zeus Restaurant sa Zobel Roxas, Makati City at  residente ng 2461  El Ca­ma­chile, Singalong, Manila sa pamamagitan ng kapatid nito na si Flor na personal na nag­tungo sa Popular Funeral Homes na kinalalagakan ng bangkay ng biktima.

Sinabi ni Chief Insp. Alex Yanquiling, Hepe ng MPD-homicide section,  na  susi ang driver ng pedicab  na huling si­nak­yan ni Aguilar upang  nag­bigay  liwanag sa pagkamatay ng biktima.

Posible din umanong ang naturang  driver ang guma­hasa at pumatay sa babae.

Ayon kay Flor, huli niyang nakitang buhay ang kanyang kapatid noong  Biyernes ng umaga. Dagdag pa ni Flor na bandang hapon ay umalis sa  bahay nila si Cristina at puma­sok sa panggabing trabaho nito sa Makati City.

Nabatid na apat ang ka­sama ng biktima na pawang kasama niya sa trabaho nang umalis ito sa pinapasukan nilang restaurant noong Sa­ bado ng madaling-araw at  pag­sapit sa Vito Cruz ay nag­kahiwa-hiwalay na sila. Subalit imbes na sumakay ng jeep ay lumulan ang biktima sa isang pedicab upang diretsong  ma­kauwi sa kanilang bahay dahil baha.

Pero hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa na­ tag­puan na lamang ang kanyang bangkay dakong alas-5:20 ng umaga sa kanto ng Don Pedro at Arellano Sts., Malate, Maynila.

Isa pang pedicab driver na si Teejay  Silva, 23, ang na­ka­kita sa biktima habang pina­pasada nito ang kanyang pedi­cab sa naturang lugar at ipi­nagbigay  alam nito kay Chairman Logie Estacio ng Brgy. 762 Zone 82 na siyang  nag-report sa pulisya.

Lumabas sa imbestigas­yon ni Det. Manuel Sarmiento ng MPD-homicide section na  tadtad ng saksak ang katawan ng biktima at walang saplot ang ibabang bahagi ng kata­wan kaya hinihinalang gina­hasa muna ito bago pinatay. Sinabi pa ng  kapatid ng biktima na na­wa­­wala rin ang bag nito na may laman na pera at cellphone. (Grace Amargo DeLa Cruz)

vuukle comment

ALEX YANQUILING

ARELLANO STS

BIKTIMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with