Binalaan ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte ang lahat ng business establishment owners sa lunsod na mahaharap sa kaparusahan sakaling mapatunayang di nag iisyu ng resibo.
Ang banta ay ginawa ni Belmonte nang ihayag na mula bukas (Agosto 20), araw ng Lunes ay sisimulan na ng lokal na pamahalaan ang paghuli sa mga negosyante na di nag-iisyu ng resibo sa mga customers at lalapatan ang mga ito ng kaukulang parusa at multa.
Ang lokal na pamahalaan ay pagmumultahin ng halagang P4,000 sa unang offense ng mga violators, P5,000 second offense at pagsasara sa negosyo at revocation ng business permit.
Ang naturang hakbang ay alinsunod sa ipinatutupad na ordinance 1663 na naaprubahan ng QC council noong Marso 2006.
Kaugnay nito, inutos na ni City Treasurer Victor Endriga ang deployment ng revenue examiners sa iba’t ibang commercial establishment sa QC para hulihin ang mga violators ng naturang ordinansa.
Sa kasalukuyan, may 60,000 hanggang 70,000 establishment mayroon sa QC. (Angie dela Cruz)