^

Metro

Negosyante na ‘di nag-iisyu ng resibo, binalaan ni SB

-

Binalaan ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Bel­monte ang lahat ng business establish­ment owners sa lunsod na ma­ha­harap sa ka­parusahan   saka­ling mapatu­na­yang di nag iisyu ng resibo.

Ang banta ay ginawa ni Bel­monte nang ihayag na mula bukas (Agosto 20), araw ng Lunes ay sisimulan na ng lokal na pamahalaan ang paghuli sa mga negosyante na di nag-iisyu ng resibo sa mga customers at lalapatan ang mga ito ng kauku­lang parusa at multa.

Ang lokal na pamahalaan ay pagmumultahin ng hala­gang P4,000 sa unang offense ng mga violators, P5,000 second offense at pagsasara sa ne­gos­yo at revocation ng business permit.

Ang naturang hakbang ay alinsunod sa ipinatutupad na ordinance 1663 na naapruba­han ng QC council noong Marso 2006.

Kaugnay nito, inutos na ni City Treasurer Victor Endriga ang deployment ng revenue examiners sa iba’t ibang com­mercial establishment sa QC para hulihin ang mga vio­lators ng naturang ordinansa.

Sa kasalukuyan, may 60,000 hanggang 70,000 es­tablish­ment mayroon sa QC. (Angie dela Cruz)

AGOSTO

ANGIE

BINALAAN

CITY TREASURER VICTOR ENDRIGA

CRUZ

KAUGNAY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with