Bebot hinalay na, kinatay pa

Pinaniniwalaang ginahasa muna saka pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang  isang di nakilalang babae na natagpuang nakabulagta sa isang kalye sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.   Inilarawan ang biktima na nasa gulang na 20-25, may taas na 5’4 talampakan, kulot ang buhok, Natagpuan itong wa­lang saplot sa katawan at tadtad pa ng saksak.

Sa report ni Det. Manuel Sarmiento ng Manila Police District (MPD)-Homicide sec­tion, dakong alas-5:20 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng  biktima sa kanto ng Don Pedro at Arellano Sts., Malate, Maynila.            

Ayon kay Teejay Silva, 23, pedicab driver, kasalukuyang pinapasada nito  ang kanyang pedicab nang mapadaan sa naturang lugar at napansin  ang bikima na nakatihaya sa nasabing lugar kaya agad niya itong ipinagbigay alam kay Chairman Logie Estacio ng Brgy. 762 Zone 82 na siyang nag-report sa pulisya.           

Dalawang teorya ang pi­na­pag-aralan ng pulisya kabilang na ito ay ang posib­leng insi­dente ng  pangho­holdap  at saka pinag-intere­sang gaha­sain ang biktima o ginahasa  ito at nanlaban kaya pinatay.           

Hinala din ng pulisya sa ibang lugar isinagawa ang krimen at iniwan  lamang ang katawan ng biktima sa na­turang lugar upang iligaw ang mga imbes­tigasyon ng pulisya.

Show comments