3 holdaper bumalik sa lugar, timbog

Arestado ang  tatlong kila­bot  na holdaper na bu­mi­biktima ng mga negos­yante sa Malabon Fish Market makaraang muli silang magbalik sa lugar kahapon ng madaling-araw.

Hindi na nagawang pu­ malag pa ng mga suspek na sina Rigor Nabablit, 39;    Nonoy Pecson, 24, at Jose Domingo 31, nang dakma­in ng mga awtoridad.

Sa ulat ng pulisya, noong nakalipas na Agosto 13 ng taong kasalukuyan, biniktima ng mga suspek ang negosyanteng si Yvette Macasaet, 40, biyuda ng Pinagtangulan, Lipa City, Batangas,  na natangayan ng   P28,000 cash at dala­wang unit ng cellphone na nagkakaha­laga ng P8,000 habang papasok ang bik­tima sa loob ng consig­nacion upang mamili ng isda.

Nabatid na naubos na ng mga suspek ang ka­nilang kinita noong nakara­ang linggo at bu­malik muli sa nasabing lugar upang mag-abang ng bagong mabibiktima nang matiyem­puhan ito ng mga awto­ridad, kasama ang pinaka­huling biktima na nagturo kung saan pumu­puwesto ang mga ito, walang sabi-sabing dinak­ma ang na­banggit na mga holdaper ng mga pulis. (Lordeth Bonilla)

Show comments