^

Metro

Domestic flights kinansela dahil kay ‘Egay’

-

Anim na domestic flights patungong Baguio, Pala­wan at Manila ang kinan­sela ng Manila International Airport Authority dahil sa masamang lagay ng pana­hon dulot ng bagyong si Egay kahapon.

Ayon sa MAIA, hindi na pi­nayagan pang mag­biya­he ang mga flights ng Asian Spirits 6K-760 (Ma­nila to Baguio), 6K-761 (Baguio to Manila), 6K-541 (Manila to San Jose, Min­doro), 6K-540 (Mindoro to Manila), 6K-545 (Manila to Palawan) at 6K-544 Manila to Baguio.

Dahil sa paglakas ng bagyong Egay sa northern Luzon na dadaanan ng mga maliliit na eroplano ng Asian Spirits patungong Baguio kung saan itinaas sa signal 1-3 ay napilitan ang pamunuan ng airlines na itigil ang paglipad nito.

Maging ang biyahe ng Asian Spirits patungong Pa­lawan na apektado ng ma­la­lakas na hangin ay kinan­sela din ang flight.

Sa kabila naman ng pag­­lakas ng bagyo ay hindi naman natinag ang mala­laking eroplano para sa do­mestic at international flights sa kanilang biyahe sa iba’t ibang air terminal ng bansa.

Sinabi ng MIAA na tanging ang Asian Spirits ang nagdeklara ng kanilang kanselasyon sa 6 nitong flight. (Ellen Fernando)

ASIAN SPIRITS

EGAY

ELLEN FERNANDO

MANILA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

PLACE

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with