Bank exec utas sa nabuntis na GRO

Isang Executive Vice Pre­sident ng isang bangko ang natagpuan na naka­handusay at may tama ng bala sa ulo, kamakalawa ng umaga sa Diosdado Maca­pagal Avenue, Pa­ say City.

Kinilala ni P/Chief. Insp. Renato Ulic, hepe ng In­ves­ti­gation Division, ang bik­tima na si Rolando Ma­limban, 35, Exec VP ng Maybank na matatagpuan sa Legazpi Tower, Pasay City at nangungupahan sa F.B. Harisson St. ng na­bang­git na lungsod.

Batay sa imbestigas­yon, dakong alas-8:10 ng umaga, nang matagpuan nina Romel Cabilis at Rusty Solomon, mga street sweep­er, ang bik­tima na nakahandusay at may tama ng baril sa sen­tido sa ma­damong lugar ng Seaside Diosdado Ma­capagal Ave­nue ng na­sabing lungsod.

Lumilitaw sa masusing pagsisiyasat ng mga im­bes­­tigador na ang natu­rang bik­tima ay ipinapatay umano ng isang GRO na kanyang naanakan at na­kilala sa isang club sa Quiapo, Manila. Nakapag­silang umano ang natu­rang GRO ng kanyang supling kung saan si Malimban ang siyang ama subalit tinang­gihan umano  itong pana­gutan ng huli.

Bago ang pagkaka­tagpo sa bangkay ng bik­tima, nakatanggap na umano ito ng pagbabanta sa kanyang buhay mula   sa GRO na hindi muna pina­ngalanan ng pulisya na siya ay ipapapatay.

Nang magtungo ang mga imbestigador sa inu­pa­hang bahay ng biktima ay nadiskubre rin ang isang sulat mula kay Ma­limban kung saan naka­lahad sa kanyang liham na baka hindi na ako abutan ng araw ng Biyernes.

Nakasaad din sa sulat nito kung kanino mapu­punta ang kanyang mga ari-ariang maiiwan.

Ayon  pa sa pulisya, isang alyas Nonoy na ma­lapit na kaibigan ng nasawi ang kanilang inimbitahan upang magbigay-linaw sa kaso. Si Nonoy umano ang madalas kausap ng biktima nang nabubuhay pa ito at dito rin niya ipinag­tatapat ang kanyang prob­lema hinggil sa naturang GRO.

Sinabi ni Ulic na kilala na nila ang naturang GRO at maging ang club na pina­pasukan nito sa Quiapo subalit tumanggi muna nila itong pangalanan sa pa­ngambang baka ito maka­takas.

Napag-alaman pa na ang nasawi  ay hiwalay sa dati nitong asawa.

Show comments