Ex-parak na kidnaper, sumuko
Matapos ang mahigit isang taong pagtatago ay sumuko kahapon sa pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang isang most wanted na kidnapper na may patong na P250,000 sa ulo.
Ang sumuko ay si PO2 Arden Lanza, dating pulis na nakatalaga sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa
Nabatid na isa si Lanza sa 11 suspect na kumidnap kay Peter Tan at 2-anyos na anak nito na si Michael noong Disyembre 28, 2005 sa Tanza,
Napag-alaman na matapos ang pagdukot kay Tan ay ipinatutubos ito ng P5 milyon sa pamilya ng negosyante.
Humingi naman ng tulong ang pamilya ni Tan sa awtoridad kaya hindi natuloy ang bayaran ng ransom, habang ang anak na si Michael ay pinalaya matapos ang isang linggong hawak ng mga kidnappers, habang si Peter ay nawawala pa rin hanggang sa ngayon.
Nabatid na bago si Lanza ay nauna ng sumuko sa awtoridad sina Edwin Torres at SPO1 Catalino Gonzales, pawang mga dating ahente rin ng PDEA.
Samantala sa panayam ng media kay Lanza, kaya umano siya sumuko ay upang itanggi na may kinalaman siya sa nasabing kidnapping at upang malinis ang kanyang pangalan. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending