^

Metro

Bangkay ng nene nakuha sa maleta

- Ni Grace Dela Cruz -

Tinatayang nasa gulang na  6-8-anyos ang batang  babae na natagpuang nakasilid sa loob ng isang maleta sa  break water  ng  Manila  Bay, kahapon  ng umaga  sa  North  Harbor, Manila.

Batay sa report ng Manila Police District-Homicide division, inakala  umano ng  tatlong  binatilyong namu­mulot  ng plastic ay  naka “jackpot”  sila  matapos  makita  ang isang kulay berdeng  travelling  bag  na  may  gulong   na nakalutang  sa  break water  ng  Manila Bay sa  likod  ng  Manila  International  Container Terminal  (MICT)  dakong  alas-8  ng  umaga.

Subalit laking gulat umano ng mga binatilyo nang  tumambad  sa  kanila  ang  namamaga  nang katawan ng  isang  batang  babae na  nakasuot  ng  jogging  pants  na  dilaw, hanggang  balikat  ang  buhok, kayumanggi at  may nakapulupot  na electric wire sa leeg.

Nakalitaw umano  ang paa ng  biktima  kaya ka­agad  na nagsumbong  ang  mga  binatilyo  sa  Security Guard  na  si Boy Mahinay na nagpatulong naman sa mangi­ngisdang si Bienvenido Dalantan para maiahon ang  bangkay  ng  bata na  pinagkasya  sa loob  ng  maleta.

Sinabi ni  Det. Richard  Lumban ng  Manila  Police na may isang araw nang patay ang biktima  na walang  saplot  na pang-itaas nang  matagpuan ng mga bata.

Napansin din ng  pulisya  ang  nakasulat  na pangalan  sa  maleta na “Baishor Disona”, gayundin sa jogging pants  ng  biktima ang pangalang  “Lovely 5”.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na pinatay sa  pama­magitan ng sakal ang  biktima at  inilagay  sa maleta  bago  itinapon  sa Manila  Bay.

vuukle comment

BAISHOR DISONA

BIENVENIDO DALANTAN

BOY MAHINAY

CONTAINER TERMINAL

MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with